Shai Lagarde(@shailagarde)さんの人気ツイート(古い順)

551
Josh: Mahaba-haba naman ‘yung pahinga nung pandemic at ang daming limitations. We’re confident that we’ll be taking this to the next level. Justin: These opportunities drive us to work harder and do better. Yung training at pag-improve ng situation natin, we’ll work even harder.
552
Justin: Actually, we’re producing a docuseries of the whole WYAT Tour! For you to see what we’ve been doing and working on. *WYAT Tour trailer plays* (Personal note: Knowing a bit about the docuseries, masasabi ko lang it’s gonna be 😍😆🥹)
553
They talk about the tour dates Jah: Ito po ang pinakamahalaga sa lahat... “And many more.” We’ll try to add more. Pablo: We’ll announce those on social media. We’ll be bringing in friends and other surprises. @SB19Official #SB19 #WYATTour #WYAT #WhereYouAtSB19
554
Q: Where do you see @SB19Official three years from now? Josh: At least winning a @billboard award. Successful in our career, but also sa buong buhay ng grupo. Ken: Siguro po… Umm… …Ang hirap. Ayoko maging showbiz haha but gusto ko talaga… Gusto ko nasa world stage talaga.
555
Ken: Proud na tinitingala ng aspiring artists. Pablo: Established na yung P-pop. Makakatulong ‘yan sa economy ng Philippines lalo kung marami nang foreigners na dumarayo para panoorin tayo Jah: Gusto ko makita na mag-perform kami with other successful P-pop groups in one stage
556
Stell: Hangga’t nandiyan ‘yung A’tin, hindi kami mawawala. Hindi naman mawawala ‘yung inspirasyon namin to continue habang nandiyan sila kasi sila ‘yun. Showbiz ba? Showbiz ba, Ken? Ken: Hinde, good answer, good answer
557
Q: Paano n’yo tinutulungan ang isa’t isa since a world tour is more exhausting than a concert. Justin: Similar to WYAT’s concept, we go back to the past. Forget our current skills and go back to zero. Start again from the basics. Para ma-strengthen ‘yung foundation namin.
558
Josh: Habang mas busy kami at nakikilala, kumokonti ‘yung oras sa training. So minsan kailangan tanggihan ‘yung ibang schedule kahit kikita sana kami, para lang hindi ma-sacrifice ‘yung craft namin. Bumalik kami sa roots namin. Dati walang makain nakakapag-training, what more now
559
Stell: Kasama rin talaga ‘yung team namin mismo. Kasi sa Pilipinas marami kaming kasama, makakatulong sa ‘min pero sinasabi nga nila pag nasa abroad kami, kami-kaming lima lang din talaga ‘yung magtutulungan. @SB19Official #SB19 #WYATTour #WYAT #WhereYouAtSB19
560
My Q: World domination, siyempre that’s the goal. On top of being Filipino or being a P-pop group, how would you like SB19 to be known for internationally? Ken: … Jah: … Stell: … Josh: … Pablo: Ang hirap naman niyan! Hahaha
561
Hahaha sorry na @imszmc
562
Spox Josh: Well it’s still part of being a Filipino artist. Siguro ‘yung how other artists from Hollywood to J-pop to K-pop or any other artist na nagpakilala ng musika… Actually kilala naman na ‘yung Filipino music pero ‘yung talagang magiging nasa headlines. Bruno Mars, ganyan
563
Spox Josh: ‘Yung ikaw ‘yung pang-front nitong bansa na ‘to. Not just here but sa ibang bansa, tinitingala. “Ah, this is the reason why nagbago ang history.” They’ll say, we made a change. Isa ‘yun sa mga pangarap namin kaya kami nandito ngayon.
564
Stell: Sa akin naman po, gusto ko po na makilala nila ‘yung SB19 as a group na hindi talaga nag-give-up. Simple siya, pero kasi ‘yung SB19 matagal na siyang naririnig at marami nang awards or nominations pero hanggang ngayon, hindi pa talaga namin nahi-hit ‘yung pinaka-top talaga
565
Stell: Pero hindi ‘yun nagpapapigil sa ‘min na abutin pa ‘yung higher dreams namin. Nandito na kami, nasimulan na namin so hindi na po kami susuko. Dun po namin gustong makilala kami. Kami ‘yung group na hindi talaga titigil hangga’t ‘di namin natutupad ‘yung pangarap namin.
566
Q: Ano’ng feeling na may nanonood / tagahanga kayong foreigner? Josh: Pressure po. Kasi mapapa-English e. Labanan na. Honestly ‘yun talaga ‘yung una kong naisip. Stell: Ako rin sabi ko, “Naku kailangan na gamitin ang stock knowledge!”
567
Stell: Kidding aside, nakakataba ng puso kasi kahit hindi nila naintindihan, nakikinig sila. ‘Yung music, wala talaga sa lengguwahe. Tumatagos sa tao yung message ng kanta. Masarap sa pakiramdam Josh: Sila na magsasabi niyan. “Hindi mo naman naintindihan, ba’t mo pinapakinggan?”
568
Justin: Iba yung standards sa foreign audience, we don’t really know what to expect there kaya magkahalong kaba at excitement Pablo: I’m really nervous for this tour. Pero kung nervous ka, that just means na mahal na mahal mo yung ginagawa mo. Gusto namin first impressions last.
569
Ken: Masaya ako kasi first time namin makapunta sa US. Really excited na ma-experience ‘yung winter. At ma-meet ‘yung fans at mag-perform internationally like many artists. I’m nervous but confident na makakaya. Q: May ritual ba kayo pag kabado? Stell: Naghahampasan po ng braso
570
Q: What would you tell your 13-year-old self? Pablo: 🤔 Ano na ba’ng ginagawa ko nun? Josh: “Bumili ka ng bitcoin.” Justin: I’d advise to explore more. Sulitin yung oras, learn more about music. “Magagamit mo yung music paglaki mo! Practice!” Pablo: Ako baliktad. “Play more!”
571
Pablo: Kasi ngayon very busy, no time with family. Siguro “explore more, makipag-halubilo ka pa. Enjoy your childhood.” Josh: “Cherish the moment.” Kasi in the blink of an eye, ang bilis ng oras, ang daming nangyayari. Alagaan mo mga tao sa paligid mo.
572
Stell: Ako rin, explore more. Honestly nahihirapan po ako sa ibang aspects of music. For example sa singing. Every day is a learning process. With a vocal coach mas marami akong nalalaman. “Ah ganun pala ‘yun. Sana dati pa lang inaral ko na.” (Personal note: Stell, singing??)
573
Stell: At “mag-video at picture ka ng sarili mo ng marami.” Dahil sa WYAT concept naghahanap kami ng baby pictures. Lahat sila meron ako wala masyado. Bakit nga ba hindi ako nagvi-video noong kabataan ko?
574
Ken: Sa akin naman po, “Good job.” As a kid, magkakamali talaga. The more we grow up, mas malaki pang mga pagkakamali. “Good job, hindi ka makakarating dito kung hindi ka nagkamali noon.” (Pablo agrees) Ken: So, “Good job, kid!”
575
Q: At 13, did you figure you’d be doing this? Josh: Hindi po! Ken: Hindi po, naglalaro lang ng teks Stell: Si Justin po pag-aartista Jah: Acting-acting ako mag-isa. Pablo: Ako po eto lang talaga. 12, 13, 14 nagsa-start na ako magsulat. *To Justin* “Kuwento mo ‘yung Rexona!”